Sunday, December 8, 2013

Zongshen MOTOR155 Conquers Dalton Pass

December 6, 2013 Alas Onse ng Tanghali nang ako'y nagdesisyon pumunta ng Dalton Pass upang maglibang at magpahangin. Binaybay ang daan patungong Nueva Ecija na walang ibang dala kundi lisensya, dokumento para sa motor at toothbrush ang laman ng bag. Sa kahabaan ng aking paglalakbay napansin ko na mga kalsada at hindi maayos at ang masakit lang halos mga taong nakikita ko na naka motor ay walang helmet at ang pinaka masakit madalas may mga nag momotor akong nakikitang may batang angkas, ang nagmamaneho may helmet at ang bata wala.


Habang nasa Bulacan biglang pumasok sa isip ko " Ano bang ginagawa ko at ang layo ng pupuntahan ko ? ", nag aalinlangan at gusto ng bumalik pero biglang naramadaman at naalala ang malamig at sarap ng pakiramdam nuong nanduon ako sa lugar na iyon kung saan pwede kang manatili ng matagal kahit nasa tirik na araw dahil lamig parin ang madarama. Sa madaling salita aking pinagpatuloy ko parin ang pagpunta. Sa kadahilanang akoy nag iisa lang bumyahe at nababagot din minsan pinagpapatulan ang mga motor na maangas dumaan...Napadaan sa iskwelahan bandang Bulacan akoy natawa sa reaksyon ng isang estudyante ng makita nya akong dumaan napanganga sabay tapik sa kasama nya tinuro ako.. Syempre para kumpleto BRaaaaappp. At lalo akong nagkaroon ng gana sa pagmamaneho nang makita ko ang traktora na bumabagtas sa kahabaan ng San Ildefonso.... Trip trip lang kunwari ang takbo100kph papaiwan at hahabulin ko rin pero ang totoo 40kph lang ang takbo namin. Sabay ratrat ulit.



... Marami ding mga motorista na hindi marunong gumamit ng signal light na napaka importante rin kung tutuusin. May mga sandali na muntikan ko na silang mahagip at mabangga ngunit sa kabutihang palad walang anumang nangyari sakin. Akoy nadaan sa Sta Rosa at nakita ang karatulang papuntang DINGALAN... Napaisip tuloy ako sa sinabi ng kaibigan kong si Jon Liwag na magandang pumunta at ang dagat nakakarelax, sabi ko sa sarili ko sa susunod ikaw ang pupuntahan ko. 2PM ng hapon sa wakas narating ko na ang Cabanatuan. Huminto sa McDo upang kumain at isip isip. Nag iisip kung aking itutuloy ang lahat pero nandyan na yan malapit na, pagkatapos kumain ratrat ulit.




Sa wakas San Jose na ako sabi ko sa sarili ko 3:30PM ng Hapon.. Malapit abot tanaw ko na ang bundok na aking babaybayin. Sa pag akyat muli kong naalala ang aking kabataan na kung saan araw araw akong bumabyahe patungong iskwela. Amoy ng masarap na simoy ng hangin, mga bundok at ilog na aking nilanguyan nung akoy bata pa.



 At heto na akoy malapit na sa aming lugar syempre pakitang gilas hindi ko na pinigilan sarili ko magmula sa baba akoy nakatayong nagmamaneho paahon kitang kita ko sa reaksyon ng mga bata at pinsan ko bagamat hindi nila kilala kung sino yun ang tuwa at pagkasabik makakita ng nagmomotor na naka tayo. Napangiti rin ako dahil nagulat sila. Hahaha. Byahe Benking dito Benking duon lamig ng hanging tumatama sa aking balat ay kakaiba at nanunuot sa sandaling iyon napasarap sa pakiramdam at nakakawala ng pagod at labis ang aking pag iingat sa kadahilanang may mga kalsadang lubak at buhangin dala ng mga tubig at mga kalsadang basa na maaaring makadulot ng aksidente. At pag babaybay ko may mga insidente narin na kamuntikan nang mahagip patungo dahil sa mga Motoristang hindi marunong manatili sa linya at kailangan pang mag Overtake kahit alam na nilang delikado dahil paliko.At heto na, napansin ko bakit parang puro bengking ako at ang layo parin nang aking destinasyon pero sabi ko ok lang din practice practice ako. At sa wakas aking nilagpasan ang tunnel at sabi ko malapit na.... Ang arko nakita ko na paglipas ng ilang minuto pa. Kaliwa nakita ko may mga Pulis at Sundalong naka tambay sa akyatan, busina lang at BRAAaaapppp paakyat. Aking narating ang minimithing Dalton Pass kasama si Snow White. Sarap ng pakiramdam na sa tagal ng panahon muli kong napasyalan ang makasasaysayang lugar. Malamig ang simo'y ng hangin na nanunuot sa aking balat. Tanawing napakaganda. Sabay tahimik at nagpasalamat dahil nakarating ng maayos at kinausap ko si Snow White ko at nagpasalamt dahil hindi nya ako binigo. Kaya ang masasabi ko sa MOTO R155 Sa byaheng 149KM ko, nililingon kana sa pag daan mo at hindi ka pa bibiguin sa paglalakbay mo.

































Hanggang sa Muli.

No comments:

Post a Comment